Pangunahing Komponent o sangkap ng batayang anyo ng pangungusap
1.Paksa/simuno –
ang pinag uusapan sa pangungusap.
Halimbawa: Ang
mga paring Kastila ay nagmalabis sa kanilang karapatan.
2.Panaguri- bahaging naglalarawan sa paksa o simuno.
Halimbawa: Ang
mga paring Kastila ay nagmalabis sa kanilang karapatan.
3.Pandiwa- salitang
nagsasaad ng kilos o galaw sa pangungusap.
Halimbawa: Inampon
nila ang mga ulila at kapuspalad.
4.Pokus
ng pandiwa- mahalagang pagkakaugnayan ng pandiwa sa
paksa ng pangungusap.
a.) Tagaganap
o aktor - ang pandiwa ay nasa
pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na
isinasaad sa pandiwa.
Halimbawa:Nanguna si Richard Gordon sa pagsulong ng turismo ng bansa.
Halimbawa:Nanguna si Richard Gordon sa pagsulong ng turismo ng bansa.
b.) Layon
o Gol - kapag ang tuwirang
layon o ang gol ang siyang pokus ng pangungusap.
Halimbawa:Ginawa niya ang programang ito para sa ikauunlad ng ating turismo.
Halimbawa:Ginawa niya ang programang ito para sa ikauunlad ng ating turismo.
c.) Ganapan o Lokatib - ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos.
Halimbawa:Pinagdarausan ng buwang-buwang eksibit ang Intramuros, Manila.
d.) Tagatanggap o Benepaktib - kapag ang pinaglalaanan o di-tuwirang layon ang nagiging simuno o pokus.
Halimbawa:Ipinaghanda niya ng masarap na kakanin ang mga panauhin.
e.) Gamit o Instrumental - ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.
Halimbawa:Ipinamili niya ang pera para sa eksibit.
f.) Sanhi o Kawsatib - ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.
Halimbawa:Ikinatuwa ng Pangulo ang katagumpayan ng programang WOW.
g.) Direksyunal - pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutungo ng kilos.
Halimbawa:Pasyalan natin ang WOW sa Intramuros.
h). Komplemento ng
pandiwa – bahagi ng panaguri na nagbibigay ng ganap na kahulugan na kahulugan
sa pandiwa.
> Komplementonng
tagaganap – Bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa: Binili ng ate ang sapatos.
>Komplementong Layon – Nagsasabi kung
ano ang bagay na tinutukoy ng pandiwa.
Halimbawa: Bumili ang nanay ng damit.
>Komplementong Tagatanggap –
Nagsasabi kung sino ang nakikinabang sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa: Binili ng nana yang sapatos para
kay Nelia.
>Komplementong Ganapan – Nagsasaad ng
lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Kumuha si Allan ng tubig sa
balon.
>Komplementong Sanhi – Nagsasabi ng
dahilan ng pagkakapangyari ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Nagkasakit siya dahil sa
matinding pagod.
>Komplementong Direksyonal –
Nagpapahayag ng kilos mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar.
Halimbawa: Nagpunta sila sa Batangas.
>Komplementong Kagamitan- Nagsasaad
ng kung anong bagay, kagamitan o instrument ang ginamit upang maisagawa ang
kilos.
Halimbawa: Pinutol niya ang damo sa
pamamagitan ng gunting.